Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dan Osillos: FinCh at mga Pinoy sa Fujian

(GMT+08:00) 2016-07-19 12:23:43       CRI

Matapos ang anim na taong pagtatrabaho bilang designer ng bags sa Pilipinas, tinanggap niya ang alok ng ipagpapatuloy ang trabaho sa bayan ng Quanzhou sa lalawigang Fujian. Labingtatlong taon makalipas, si Dan ay nasa Tsina pa rin. At siya ay isa sa mga pinuno ng Filipinos in China o FinCh, samahan ng mga kababayang nagtatrabaho sa bahaging ito ng Fujian. Sa panayam ni Mac Ramos para sa programang Mga Pinoy sa Tsina ibinahagi niya ang pagiging proud sa pagpapahalaga ng Jinjiang kay Jose Rizal. Kinikilala ng mga taga rito ang lahing Tsino ng bayani at itinayo ang limang hektaryang Rizal Shrine na may 18 metrong taas na replica ng monumento nito sa Luneta. Bukod dito, nagsisilbing paalala sa kanya at mga Pinoy na nasa Fujian ngayon na laging ipakita ang pinakamagandang ugali ng mga Pilipino. Aniya dapat laging ipakita ang best bilang mga dayuhan.

Sa tulong ng FinCh nagkakakilala at nabubuklod-buklod ang mga Pinoy. Marami silang aktibidad tulad ng welcome party, sports fest at year-end gathering. Dahil matagal na sa Tsina, isa si Dan sa mga laging takbuhan ng mga Pinoy na nalalagay sa alanganin kaya paalala niya siguruhing legal ang mga papeles bago magpunta sa Tsina.

Hilig din ni Dan ang photography. Kasama ang kapwa Pinoy ilang beses na rin silang nagsasama-sama para sa mga photo walks. At isa sa kanyang lugar na nagustuhan ay ang Botanical Garden ng Xiamen. Sa mata ng isang photographer, marami ang pwedeng niyang magawa.

Pakinggan ang buong panayam ni Dan Osillos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Si Dan Osillos

Kinapayanam si Dan ni Machelle Ramos, mula sa Filipino Service ng CRI.

Xiamen Botanical Garden

Xiamen Botanical Garden

Mga miyembro ng "Filipinos in China" (FinCh) na dumalo sa Independence Day Celebration sa Xiamen

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>