Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Assistant Secretary Marie Banaag: Media Projects sa Pagitan ng Tsina at Pilipinas, isusulong

(GMT+08:00) 2016-12-06 17:08:48       CRI

Dumalaw kamakailan sa China Radio International ang delegasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO) ng Malacanang. Pinamunuan ito ni Assistant Secretary Marie Banaag, kasama sina Dino Apolonio General Manager ng Peoples Television Network, Bong Aportadera Director General ng Radyo ng Bayan at Luis Morente Executive Editor ng Philippine News Agency.

Mainit ang naging pagtanggap ni Presidente Wang Gengnian ng CRI sa grupo. Sa kanyang pahayag sinabi niyang handa ang CRI sa pakikipagkooperasyon sa media ng Pilipinas. Bukas din ang CRI sa mga pagkakataong pangkooperasyon na magsusulong ng pagkakaunawaan ng Tsina at Pilipinas.

Bukod sa news at program exchange, maari ring isagawa ang pagpapalitan ng mga tauhan, teknolohiya at kaalaman sa new media ani Presidente Wang.

Nagpaunlak naman ng panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina si ASec. Marie Banaag. Sinabi niyang lubos ang kanyang kagalakan sa mainit na pagtanggap ng CRI at mabilis na tugon ng pamahalaan Tsino sa mga natalakay na pagpapalitan matapos ang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Oktubre.

Aniya batay na rin sa hangarin ni PCO Secretary Martin Andanar na ipakita ang pag-babago ng government media ng Pilipinas, ang kanyang pagbisita sa Tsina ay naglalayong pabutin ang komunikasyon sa dalawang panig.

Dagdag niya, sa panahon ngayon napakahalaga ng komunikasyon. Sa tulong ng pagpapalitan sa CRI mas magiging malalim ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa Tsina at mga Tsino.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Sina Mac Ramos ng CRI Filipino Service at Assistant Secretary Marie Banaag ng  Presidential Communications Office (kanan sa litrato)

Makikita sa larawan sina (L-R) Jade Xian ng CRI Filipino Service, Amy Wu ng Chinese Embassy sa Pilipinas at mga PCO delegates.

Sina Presidente Wang Gengnian ng CRI at mga PCO delegates.

Pagpapakilala sa CRI Filipino Service sa PCO Delegation. Naguna rit sina Director An Xiaoyu ng South East Asia Broadcasting Center at Jade Xian, Puno ng CRI Filipino Service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>