Ibinalita kagabi ng Cambodia People's Party(CPP), naghaharing partido ng bansa na pinamumunuan ni Punong Ministrong Hun Sen, na nakuha ng CPP sa Panlimang Halalang Pamparliamento ng bansa ang 68 sa 123 luklukan ng parliamento, samantalang 55 iba pa ang nakuha ng Cambodia National Rescue Party(CNRP), partidong oposisyon ng bansa.
Sa isang pahayag naman na ipinalabas kagabi ni Sam Rainsy, Puno ng CNRP, ipinahayag nito ang pasasalamat sa suporta ng mga mamamayang Kambodyano. Nanagawan din itong magtimpi ang mga botante para maiwasan ang marahas na sagupaan.
Nauna rito, naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga tagasuporta at tumututol sa CNRP sa isang lugar na binobotohan, sa Phnom Penh, at ilang kotse ang sinunog.
Sa katatapos na halalan, bumaba sa 68 ang bilang ng luklukan ng CPP sa parliamento mula sa dating 90 luklukan; tumaas naman sa 55 ang bilang ng CNRP mula sa 29; at ganap na talunan naman ang Funcinpec Party.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang resulta ng halalan ay nagpapakita ng mithiin ng mga mamamayan sa pagsasagawa ng repormang panlipunan. Ito aniya'y magsisilbing hamong kakaharapin ng pamahalaan ni Hun Sen sa hinaharap.