Dumating kahapon sa Port Klang, Malaysia, ang Haixun 01, pinakamalaki at pinakamodernong maritime patrol vessel ng Tsina, para pasimulan ang 5-araw na pagdalaw sa bansang ito.
Sa seremonya ng pagsalubong, sinabi ni Xu Guoyi, Direktor ng Shanghai Maritime Safety Administration at Puno ng delegasyong Tsino, na sa panahon ng pagdalaw, magpapalitan ng karanasan ang dalawang panig hinggil sa pagpapatupad ng batas sa dagat.
Ipinahayag naman ng kinatawan ng Malaysian Maritime Enforcement Agency, na maganda ang relasyong pangkooperasyon ng mga maritime authority ng dalawang bansa, at tatalakayin nila sa panahong ito ang hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon.
Salin: Liu Kai