Sa kanyang pakikipag-usap kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ipinahayag ni dating Punong Ministrong Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia ang kompiyansa sa kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina sa hinaharap
Sinabi ni Mahathir, na nananatiling matatag ang kasalukuyang operasyong pangkabuhayan ng Tsina. Aniya, sa harap ng pagbaba ng kaunlarang pangkabuhayan sa daigdig, natutuwa siyang Makita ang 7.5% na paglaki ng kabuhayan ng Tsina. Sinabi niyang isinasagawa ng Tsina ang pleksible at nagsasariling patakarang pangkabuhayan, na may pangmalayuang pananaw. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapalakas ng kakayahang kompetetibo ng bansa.
Sinabi niya na positibo ang Malaysia sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Ito aniya'y hindi lamang makakatulong sa pag-unlad ng Tsina, kundi makikinabang din ang kabuhayang panrehiyon.