Nanawagan kamakailan ang Pheu Thai, naghaharing partido ng Thailand, sa Democratic Party na lumahok sa diyalogong pampulitika para maisakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon.
Ang nabanggit na diyalogo ay idaraos ng naghaharing koalisyon sa Bangkok sa susunod na buwan. Ipinahayag ni Bhichai Rattakul, dating lider ng Democratic Paty na lalahok siya sa diyalogo.
Pero tinanggihan ni Abhisit Vejjajiva, kasalukuyang lider ng Democratic Party, ang paglahok sa nabanggit na diyalogo. Sinabi niya na ang paghalok ni Bhichai Rattakul ay kanyang sariling kagustuhan lamang at hindi sumasalamin sa naisin ng buong partido.