Sinabi kahapon ng National Climate Center ng Tsina na nakakaranas ang mga lugar sa timog ng bansa na gaya ng Shanghai, Zhejiang, Hu'nan, Guizhou, at iba pa, ng pinakamainit na tag-init sapul noong 1951.
Ayon sa sentrong ito, pagpasok ng nagdaang Hulyo, umabot sa 29.6 degree centigrade ang karaniwang temperatura sa naturang mga lugar, na mas mataas ng 2 degrees kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at ito ay pinakamataas na temperatura sapul noong 1951. Samantala, maliit din ang bolyum ng ulan sa mga lugar na ito.
Bilang tugon sa kalagayang ito, muling nagpatawag kahapon ng pulong si Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina, para isaayos ang gawain ng paglaban sa tagtuyot. Hiniling niyang dapat subaybayan ang tunguhin ng kalagayan ng tagtuyot, igarantiya ang tubig inumin ng mga mamamayan, at palakasin ang mga hakbangin laban sa tagtuyot sa aspekto ng agrikultura.
Salin: Liu Kai