Ayon sa ulat kahapon ng Thai media, idaraos ng pamahalaan ng Thailand ang porum hinggil sa repormang pampulitika sa ika-2 ng Setyembre para talakayin ang direksyon ng pag-unlad ng pambansang pulitika sa hinaharap.
Ipinahayag ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra na kung mararating ang nagkakaisang posisyon hinggil sa repormang pampulitika, bubuo siya ng isang lupon para rito at ihaharap ang roadmap sa loob ng darating na tatlong buwan.
Nauna rito, nanawagan si Yingluck Shinawatra kay Abhisit Vejjajiva, Puno ng Democratic Party, pinakamalaking oposisyon sa bansang ito, na lumahok sa porum na ito. Sinabi ni Yingluck Shinawatra na kung lalahok ang mga oposisyon sa porum, ito ay makakatulong sa pagkakaunawaan at pag-uugnayan ng iba't ibang panig para magkakasamang matalakay ang kinabukasan ng bansa.
Pero, sinalungat ng Democratic Party ang nabanggit na porum.