Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand na ang mungkahing idaos ang Political Reform Forum (PRF) para maisakatuparan ang rekonsilyasyon ng nasyon, ay sarili niyang paninindigan, at hindi ito nagmula kay Thaksin Shinawatra, dating Punong Ministro ng bansang ito.
Kaugnay ng isyung hahawakan din niya ang tungkulin ng Ministro ng Tanggulang Bansa, ipinahayag ng Thai PM, na sa kanyang palagay, ang kanyang paghawak sa naturang posisyon, ay para makatulong sa pangangailangan ng hukbo. Ito aniya ay upang makipagtulungan nang mas mainam ang hukbo sa iba pang departamento.
Salin: Li Feng