Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng United Nations, magsasanggunian sa susunod na linggo sa Hague, Netherlands, ang Rusya at Amerika hinggil sa isyu ng Syria.
Bagamat, hindi lalahok sa pulong, ipinahayag naman ni Lakhdar Brahimi, Espesyal na Sugo ng UN at Arab League, aag pagtanggap sa nasabing pagsasanggunian.
Noong ika-9 ng buwang ito, sumang-ayon ang Rusya at Amerika, na kung makikita ang angkop na pagkakataon, idaraos ang bagong round ng pandaigdigang pulong hinggil sa nabanggit na isyu sa lalong madaling panahon.
Salin: Ernest