Sinabi kahapon ng tagapagsalita ng Departamento ng Pampublikong Seguridad ng Lunsod ng Nanning, kung saan idaraos ang ika-10 China ASEAN Expo (CAEXPO), na handang handa na sila para sa iba't ibang gawaing panseguridad ng ekspong ito, at magiging "service-oriented" ang kanilang gawain.
Sinabi ng nabanggit na tagapagsalita, na kasabay ng paggarantiya sa kaligtasan ng lahat ng kalahok sa kasalukuyang ekspo, babawasan nila ang epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga lokal na residente na dulot ng gawaing panseguridad. Para rito, pabubutihin aniya ng panig pulisya ng Nanning ang mga serbisyong panseguridad, at isasaalang-alang ang pangangailangan ng mga residente.
Sinabi rin ng tagapagsalita, na idedeploy ng kanyang departamento ang 150 babaeng pulis para sa security check upang mas mabuting mapaglingkuran ang mga babaeng eksibitor at bisita.
Salin: Liu Kai