Inulit kahapon ni Chuck Hagel, Kalihim na Pandepensa ng Amerika, na kasalukuyang kalahok sa ADMM-Plus sa Brunei, ang posibilidad ng paglulunsad ng aksyong militar laban sa Syria. Aniya, pahihigpitin ng Amerika ang pakikipagtulungan nito sa komunidad ng daigdig sa isyu ng Syria. Nauna rito, nagpalabas si Hagel ng katulad na pahayag sa mga mamamahayag ng BBC.
Kaugnay nito, ipinahayag naman kahapon sa Brunei ni Pangalawang Ministrong Pandepensa Anatoliy Antonov ng Rusya na ang anumang aktibidad bilang tugon sa isyu ng Syria ay dapat isagawa nang alinsunod sa balangkas ng UN, at resulta ng imbestigasyon ng mga tagamasid ng UN.