Sinabi kahapon ni Farhan Haq, Asistenteng Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na uurong bukas mula sa Syria ang grupong tagapagsuri ng UN hinggil sa isyu ng sandatang kemikal sa naturang bansa. Aniya, ito ay walang kinalaman sa bali-balitang gagamit umano ng sandatahang lakas ang mga bansang kanluranin sa Syria.
Sinabi ni Haq na nakatakdang umalis bukas ng Syria ang nasabing grupo, at mag-ulat ito kay Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN hinggil sa kanilang gawain doon, sa lalong madaling panahon.
Kaugnay ng paggamit ng mga bansang kanluranin ng sandatahang lakas sa Syria, binigyan-diin ni Haq na, nauna rito, sa kanyang pagdalaw sa Austria, nanawagan si Ban sa komunidad ng daigdig na lutasin ang kasalukuyang krisis sa Syria sa mapayapa at diplomatikong paraan, at hinimok din niya ang UN Security Council na isabalikat ang sariling tungkulin.
Salin: Andrea