|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo dito sa Beijing kahapon si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Konseho ng Tsina, sa mga Ministrong Panlabas at Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na dumalo sa espesyal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN.
Hinangaan ni Yang ang natamong bunga ng Tsina at ASEAN noong nakaraang sampung (10) taon sapul nang itatag ang estratehikong partnership ng dalawang panig.
Ipinahayag ni Yang, na dapat itakda ng dalawang panig ang road map patungo sa mas magandang kinabukasan. Para rito, idinagdag niyang dapat ibayo pang palalimin at palawakin ng dalawang panig ang kooperasyon sa kabuhayan, pulitika, seguridad, malayang sonang pangkalakalan, komunikasyon, transportasyon, isyung pandagat, kultura, edukasyon, turismo, at impormasyon.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, umaasa aniya siyang mananatiling mapayapa, mapagkaibigan at kooperatibo ang rehiyong ito.
Sa ngalan ng panig ASEAN, ipinahayag ni Mohamed Bolkiah, Ministrong Panlabas at Pangkalakalan ng Brunei, na ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang panig simula noong nakararaang 10 taon ay nagdulot ng malaking kapakanan para sa kapwa. Dagdag pa niya, matatag at buong sikap na palalalimin ng ASEAN ang estratehikong pakikipagtulungan sa Tsina para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong nabanggit.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |