Idinaos kagabi rito sa Beijing ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina na nitong 10 taong nakalipas, natamo ng relasyong Sino-ASEAN ang mataas na pag-unlad. May pagtitiwalaang pulitikal at pagkatig ang dalawang panig sa isa't isa, at ito ay nagiging modelo ng pagkakaibigan ng mga umuunlad na bansa, aniya pa.
Ipinahayag ni Yang, na ang pagpapalakas ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, pagpapasulong ng komong kasaganaan at pagpapatatag ng kapayapaan ng Asya ay mga target ng pagsisikap ng Tsina at ASEAN. Kaya, patuloy aniyang igigiit ng Tsina ang prinsipyo ng pangangalaga ng pagkakaibigan sa pagitan ng mga kapitbansa, patuloy na gagawing priyoridad ng patakarang panlabas ang pag-unlad ng relasyon sa ASEAN at ibayo pang palalalimin ang estratehikong partnership ng dalawang panig.
salin:wle