Nagpahayag kahapon ng pagtutol ang ilang bansa sa intensyon ng E.U. na magsagawa ng aksyong militar laban sa Syria.
Sinabi ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya na kahit sa ano pa mang saklaw, ang pagsasagawa ng aksyong militar nang walang awtorisasyon ng UN Security Council ay lumalabag sa pandaigdig na batas. Aniya, hindi papayagan ng Rusya na mangyari ito.
Sinabi naman ng Ministrong Panlabas ng Tunisia na tumututol ang kanyang bansa sa pagsasagawa ng anumang bansa ng military intervention sa Syria, dahil maliwanag ang mga negatibong resulta nito.
Salin: Liu Kai