Nakipagtagpo kahapon sa Punong Himpilan ng UN sa New York si Pangkahalatang Kalihim Ban Ki-moon sa mga kinatawan ng limang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, para ilahad ang progreso ng pagsisiyasat sa isyu ng paggamit ng sandatang kemikal sa Syria.
Ayon sa tagapagsalita ni Ban, natapos na ang pagsisiyasat ng grupo ng UN sa di umano'y paggamit ng tropang pampamahalaan ng Syria ng sandatang kemikal noong ika-21 ng buwang ito na inireklamo ng paksyong oposisyon. Pero aniya, isasagawa muna ng grupo ang pag-aanalisa sa mga sampol ng lupa na kinuha sa lugar na kung saan ginamit umano ang sandatang kemikal, at pagkatapos, atsaka lamang gagawa ng konklusyon hinggil sa isyung ito.
Salin: Liu Kai