Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Prokuratura ng Ehipto, isinakdal ang mga lider ng Muslim Brotherhood

(GMT+08:00) 2013-08-01 16:34:53       CRI
Isinakdal kahapon ng prokuratura ng Ehipto ang pinakamataas na lider at dalawang pangalawang lider ng Muslim Brotherhood na pinaghihinalaang nanulsol ng karahasan. Hiniling din nitong litisin ang mga naturan sa hukumang kriminal.

Sinabi ng prokuratura, na pinaghihinalaang sinulsulan ng naturang mga lider ng Muslim Brotherhood ang kanilang mga tagasuporta na gumawa ng karahasan. Ito ay nagresulta sa pagkamatay ng mga demonstrador noong Hunyo ng taong ito, sa harapan ng punong himpilan ng kanilang organisasyon.

Samantala, hiniling naman kahapon ng transisyonal na pamahalaan ng Ehipto sa Ministri ng Suliraning Panloob, na magsagawa ng hakbangin para bigyang-wakas ang demonstrasyon ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Mohamed Morsi. Anito, ang mga demonstrasyon ay banta sa pambansang seguridad, at nagdudulot din ng takot sa mga mamamayan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>