Kinatagpo kahapon sa Nanning, Guangxi, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand na kalahok sa kasalukuyang idinaraos na Ika-10 China-ASEAN Expo (CAExpo) at Ika-10 China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Sinabi ng premyer Tsino na sa kasalukuyan, pumasok na sa pinakamagandang panahon ng pag-unlad ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ang Tsina't Thailand. Umaasa aniya ang Tsina na ibayo pang mapapasulong ang kanilang pagtutulungan sa imprastruktura, enerhiya at likas na yaman. Umaasa rin aniya ang Tsina na mapapatingkad ng Thailand ang papel nito bilang bansang tagapagkoordina ng Tsina't ASEAN, para mapasulong ang relasyong Sino-ASEAN.
Ipinahayag naman ni Yingluck ang mainit na pagtanggap sa paglalakbay sa Thailand ng mga turistang Tsino at sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino. Nakahanda rin aniya ang Thailand na ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Jade