Kinatagpo kahapon sa Nanning, Guangxi, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Pangulong Thein Sein ng Myanmar na kalahok sa kasalukuyang idinaraos na Ika-10 China-ASEAN Expo (CAExpo) at Ika-10 China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Ipinahayag ng Premyer Tsino na sa ilalim ng kasalukuyang pasalimuot nang pasalimuot na kalagayang panrehiyon at pandaigdig, may estratehikong katuturan ang pagpapalakas ng pagkakaibigan ng Tsina't Myanmar. Nakahanda aniya ang Tsina na buong-sikap na pasulungin ang pagpapatupad sa mga pangunahing proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa para makinabang dito ang mga mamamayan ng kapuwa bansa.
Ipinahayag naman ni Pangulong Thein Sein ang pasasalamat sa suportang ibinibigay ng Tsina sa Myanmar. Aniya pa, bilang susunod na bansang tagapangulo ng ASEAN, nakahanda ang Myanmar na ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Jade