Ipinahayag kahapon ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na umaasa ang Rusya na isusuko ng Syria ang chemical weapon, sisirain ito sa ilalim ng superbisyon ng komunidad ng daigdig, at sasapi ang bansa sa Organization for the Prohibiton of Chemical Weapons Convention (OPCW).
Nang araw ring iyon, sinabi ni Walid Al-Moualem, Ministrong Panlabas ng Syria na dumadalaw sa Rusya na tinatanggap nito ang mungkahi ng Rusya.
Ipinahayag naman kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na winiwelkam niya ang mungkahing ito, at hinimok din niya ang UNSC na ililipat ng Syria ang mga chemical weapon sa lugar kung saan maaaring ligtas na wawasakin ito.
Sinabi naman ni Barack Obama, Pangulo ng Estados Unidos na ang mungkahi hinggil sa paglalagay ng chemical weapon ng Syria sa ilalim ng pagbabantay ng komunidad ng daigdig ay positibong progreso.
salin:wle