Sa isang magkasanib na preskon sa London, ipinahayag kahapon ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na positibo ang Amerika sa paglutas sa isyu ng Syria, sa pamamagitan ng paraang pulitikal. Pero, igigiit nito aniya ang pagsasagawa ng "limited attack" para mapahina ang kakayahan ng Pamahalaan ng Syria sa paggamit ng mga sandatang kemikal, at pilitin ang huli na lumahok sa talastasang pampulitika.
Ipinahayag naman ni William Hague, Ministrong Panlabas ng Britanya, na igagalang ng pamahalaan ng Britanya ang desisyon ng parliamento hinggil sa di-pagsasagawa ng aksyong militar laban sa Syria. Ipagpapatuloy ng Britanya ang mahigpit na pakikipagtulungan sa Amerika sa ibat-ibang larangan, dagdag pa niya.