Sa magkasanib na preskon kahapon nila ni Ministrong Panlabas Laurent Fabius ng Pransya, sinabi ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na binabalak ng mahigit 10 bansa na sumali sa aksyong militar laban sa Syria. Winewelkam din niya ang mariing pahayag hinggil sa mga hakbanging nakatuon sa Syria na ipinalabas ng mga bansa ng Unyong Europeo sa pulong ng mga ministrong panlabas sa Vilnius.
Ipinahayag naman ni Fabius na nais ng Pransya at Amerika ang isang pansamantalang aksyong militar na may tiyak na target. Pinabulaanan din niya ang pagkakabukod ng Pransya at Amerika dahil sa plano ng paggamit ng sandatahang lakas sa Syria.
Nang araw ring iyon, nagtipun-tipon sa harap ng gusali ng Kongresong Amerikano at White House ang mahigit sandaang demonstrator, bilang protesta sa plano ni Pangulong Barack Obama na maglunsad ng dagok-militar sa Syria. Humiling sila sa kongreso na i-veto ang aplikasyon ni Obama sa paggamit ng sandatahang lakas. Ipinalalagay ng mga demonstrator na ang paglunsad ng dagok-militar laban sa Syria ay tiyak na magbubunga ng kasuwalti ng mga sibilyan. Bukod dito, noong nagdaang mahabang panahon, inilunsad ng Amerika ang mga digmaan sa ibayong dagat, bagay na hindi lamang nag-aksaya ng maraming yaman, kundi nakaapekto rin sa pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan.
Salin: Vera