
Sa kanyang talumpati sa telebisyon kagabi, sinabi ni Pangulong Barack Obama ng Amerika, na hinahanap ng kanyang pamahalaan ang paraang diplomatiko para lutasin ang krisis sa Syria. Pero sa kabila nito, patuloy aniyang ipapataw ang presyur-militar sa pamahalaan ng Syria.
Sinabi pa niya na patuloy siyang makikipag-ugnayan sa panig Ruso para pilitin ang Syria na itakwil ang mga sandatang kemikal sa pamamagitan ng mga resolusyon ng United Nations.
Sinabi rin niya na handa na ang tropang Amerikano sa pagsasagawa ng aksyong militar sa bansang ito para pigilan ang paggamit ng sandatang kemikal ng rehimen ni Bashar al-Assad.
Kasabay nito, ipinangako ni Obama na hindi niya ipapadala ang tropang panlupa ng Amerika sa Syria.
Salin: Ernest