Sa kanyang artikulo para sa New York Times na ipinalabas ngayong araw, inilahad ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang kanyang palagay sa isyu ng Syria. Nanawagan siya sa Amerika na sundin ang pandaigdig na batas.
Tinukoy ni Putin, na tinututulan ng maraming bansa ang pagsasagawa ng Amerika ng aksyong militar sa Syria. Sinabi niyang, kung maglulunsad pa rin ang Amerika ng aksyong militar, magdudulot ito ng mas malaking kasuwalti sa mga inosente, at paglala ng maigting na kalagayan sa bansa.
Ipinalalagay ni Putin, na ang pagsasagawa ng aksyong militar upang lutasin ang isyu ng Syria ay magreresulta sa mas maraming paggamit ng dahas sa naturang rehiyon, at paglala ng terorismo. Sa bandang huli aniya, posible itong sumira sa pandaigdig na batas at kaayusan ng komunidad ng daigdig.
Dagdag ni Putin, dapat patuloy na magdiyalogo at matulungan ang Rusya at Amerika sa isyu ng Syria, para mapanatili ang pag-asa ng pulitikal na paglutas sa isyung ito.
Salin: Liu Kai