Ipinahayag kahapon ni Pangulong Bashar al-Assad ng Syria, na nakatakdang isuko ng kanyang bansa ang mga sandatang kemikal sa komunidad ng daigdig para superbisahin.
Binigyang-diin niya na ang naturang aksyon ng Syria ay bilang tugon sa kahilingan ng Rusya, sa halip ng banta mula sa Amerika.
Ipinahayag din ng Pangulong Syrian na lalagda ang kanyang bansa sa "Tratado ng Pagbabawal ng mga Sandatang Kemikal".
Samantala, binigyang-diin ni Bashar na, kung hindi itatakwil ng Amerika ang planong militar laban sa Syria, hindi maalwang maisasakatuparan ang usaping nabanggit.