|
||||||||
|
||
Nanawagan kahapon si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika sa UN Security Council (UNSC), na pagtibayin ang resolusyon na may binding force para maigarantiya ang pagsira sa mga sandatang kemikal sa Syria.
Sinabi ni Kerry na ipinalalagay ng kanyang bansa na may responsibilidad ang rehimen ni Bashar al-Assad sa insidente ng sandatang kemikal sa Syria. Dagdag pa niya, dapat isagawa ng UN ang malakas, mabilis at aktuwal na aksyon batay sa kasunduan na itinakda ng Amerika at Rusya sa Geneva para sirain ang mga sandatang kemikal sa Syria.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na sa kasalukuyan, dapat munang tiyakin kung sino ang gumamit ng sandatang kemikal at pagkaraan nito, maaaring ipaliwanag ng UN ang responsibilidad ng iba't ibang may kinalamang panig sa Syria.
Bukod dito, sinabi ni Putin na walang kapangyarihan ang kanyang bansa na igarantiya ang pagtupad ng Syria sa kasunduan ng pagsira ng mga sandatang kemikal, pero optimistiko siya sa target na ito.
Inulit din ni Putin na walang espesyal na interes ang kanyang bansa sa Syria at buong sikap na pinangangalagaan ng Rusya ang batas na pandaigdig at kaayusang pandaigdig.
Habang kinakapanayam ng Fox News, ipinahayag ni Pangulong Bashar al-Assad ng Syria na isasagawa ng kanyang bansa ang pagsira sa mga sandatang kemikal alinsunod sa resolusyon ng UN sa lalong madaling panahon. Dagdag pa niya, tinatayang ang gawaing ito ay mangangailangan ng halos 1 bilyong dolyares na gugulin at tatagal nang 1 taon.
Bukod dito, nagpalabas ang Ministring Panlabas ng Syria ng pahayag na kumodondena sa Amerika at kanyang mga kaalyadong bansa na katigan ang pagsasagawa ng mga armadong tauhan na may kinalaman sa al-Qaeda ng aksyong militar sa tropa ng pamahalaan ng Syria.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |