Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa White House kay Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, nagpahayag ng optimismo si Joseph Biden, Pangalawang Pangulo ng Amerika, sa kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano.
Sinabi ni Biden na ang pag-unald ng Tsina ay angkop sa kapakanan ng Amerika at buong daigdig. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa ay makakaapekto nang malaki sa pag-unlad ng buong daigdig.
Binigyang-diin din ni Biden na ang pagpapalagayan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa ay pundamental na pundasyon ng bilateral na relasyon at gumanap naman ang mainam na pag-uugnayan ng mga lider ng dalawang bansa ng mahalagang papel para rito.
Iniabot ni Wang kay Biden ang pagbati ng mga lider ng Tsina at paanyaya sa pagdalaw sa Tsina. Inilahad din niya ang paninindigang Tsino sa relasyon ng dalawang panig at mga patakaran sa ibayo pang pagpapahigpit ng bilateral na relayon.
Salin: Ernest