Ipinahayag kamakalawa ng Tagapagsalita ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) na tinanggap na nila ang ulat mula sa Pamahalaan ng Syria hinggil sa masusing kalagayan ng mga sandatang kemikal sa bansa.
Dagdag pa niya, ihaharap din ng Syria ang mas maraming dokumento hinggil sa mga detalye ng mga sandatang kemikal nito. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng OPCW ang nasabing ulat ng Syria.
Noong ika-14 ng Setyembre, narating ang kasunduan ng Amerika at Rusya hinggil sa isyu ng sandatang kemikal ng Syria. Ayon sa kasunduang ito, dapat iharap ng Syria ang listahan ng mga sandatang kemikal nito bago ang ika-22 ng kasalukuyang buwan, at balangkasin ang plano ng pagsira ng mga sandatang kemikal bago ang katapusan ng taong 2014.
Salin: Ernest