Binuksan kahapon sa New York, Punong Himpilan ng UN ang Ika-68 Pangkalahatang Assemblea ng UN at ang isyu ng sandatang kemikal ng Syriaang paksang nabanggit ng halos lahat ng speaker.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na ang isyu ng Syria ay pinakamalaking hamong kinakaharap ng kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig, dapat igrantiya ng lahat ng bansa na superbisado ang mga santadang kemikal ng Syria, itigil ang pagbibigay ng santada sa mga nagsasagupaang panig at magsikap para bumalik sila sa diyalogo.
Sa kanyang talumpati, mahigpit na binatikos ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang pamahalaan ni Bashar al-Assad at sabi sinabing sila ang gumawa ng pagsalakay gamit ang santadang kemikal.
Tinukoy naman ni Pangulong François Hollande ng Pransya na kung natiyak na ng investigation group na ginamit ng Syria ang santadang kemikal, dapat umaksyon ang komunidad ng daigdig tungkol dito.