Sa pinakahuling ulat ng Asian Development Bank (ADB), mabilis na umuunlad ang Southeast Asian Economies at ito ay nagiging isang mahalagang bahagi ng chain ng pandaigdigang produksyon at kalakalan. At ang ASEAN Economic Community na itatatag sa 2015 ay ibayo pang magpapasulong ng malayang pagpapalitan ng mga produkto, serbisyo, pamumuhunan at labor forces sa pagitan ng mga kasaping bansa at makakabuti ito sa komong pag-unlad.
Tinataya ng ulat na kasabay ng pagpapanatili ng pamilihan ng pagluluwas, puspusang palalawaking ang pangangailangang panloob, at may pag-asang mananatili ang 5.5% na paglaki ng kabuhayan ng mga bansang ASEAN sa taong ito.
salin:wle