Sa New York, punong himpilan ng UN — Sa kanyang pakikipagtagpo dito kahapon kay Lakhdar Brahimi, espesyal na kinatawan ng UN at League of Arab States (LAS) sa isyu ng Syria, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na nagkasundo kamakailan ang Amerika at Rusya hinggil sa isyu ng sandatang kemikal ng Syria, at sumapi ang pamahalaan ng Syria sa "Convention on the Banning of Chemical (CWC)" at isinumite nito ang listahan ng mga sandatang kemikal nito at sumang-ayong sirain ang ganitong mga sandata, sa gayon, nakakita aniya ng "Bintana ng Pagkakataon" sa paglutas sa nasabing isyu sa mapayapang paraan. Dagdag pa niya, sa mula't mula pa'y naninindigan na ang panig Tsino na lutasin ang isyu ng Syria sa paraang pulitikal, at gumagawa ng mga pagsisikap para rito.
Ipinahayag naman ni Brahimi ang papuri sa ginawang posisyon at pagsisikap ng panig Tsino para malutas ang naturang isyu sa pulitikal na paraan.
Salin: Li Feng