Pagkaraang matapos ang tungkulin, lumisan ng Damascus kahapon ang UN Chemical Weapons Investigation Group.
Sa isang regular na preskon, isiniwalat ni Martin Nesirky, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ang pokus ng gawain ng naturang grupo ay nailipat na sa pagtatapos ng isang komprehensibong ulat. Ayon sa pagtaya, tatapusin aniya ang ulat na ito bago ang katapusan ng buwang ito.
Dagdag niya, nakuha ng biyahe ng grupong ito ng UN ang positibong tulong ng Syria, at nakolekta na nito ang maraming impormasyon.
Salin: Li Feng