Sa bisperas ng kanyang biyahe sa Timog Silangang Asya, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa ika-21 di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na idaraos sa Bali Island, Indonesia mula ika-7 hanggang ika-8 ng kasalukuyang buwan, umaasa ang panig Tsino na gagawing pangunahing paksa ng pulong ang pagpapasulong ng pagpapatingkad sa namumunong papel ng Asya-Pasipiko sa proseso ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at maisasakatuparan ang sumusunod na tatlong target:
Una, patatatagin ang kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa pag-unlad ng Asya-Pasipiko. Ika-2, patitingkarin ang namumuno't koordinadong papel ng APEC, at patataasin ang katayuan ng APEC. At ika-3, pasusulungin ang pagtatamo ng pulong ng positibo't pragmatikong bunga sa mga larangang gaya ng pagkatig sa sistema ng multilateral na kalakalan, koordinasyon sa pagsasaayos sa malayang kalakalang panrehiyon, pagpapasulong ng pag-uugnayan ng Asya-Pasipiko, konstruksyon ng imprastruktura at iba pa.
Salin: Vera