Nagtagpo ngayong araw sa Jakarta sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Marzuki Alie, Ispiker ng People's Representative Council ng Indonesia.
Ipinahayag ni Xi na nakahanda ang Tsina, kasama ng Indonesia, na pahigpitin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at kultura.
Umaasa aniya si Xi na patuloy na palalalimin ng mga departamentong lehislatibo ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pag-aaral para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Winewelkam ni Marzuki Alie ang pagdalaw ni Xi. Sinabi niya na sinusuportahan ng pambansang asemblea ng Indonesia ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at pagpapasulong ng bilateral na kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, at edukasyon.
Salin: Ernest