MAYROONG pagusuring ginagawa ang tanggapan ni Kalihim Enrique Ona ang nagaganap sa mga evacuation center sa Zamboanga City. Sa isang panayam kay Assistant Secretary Eric Tayag, may kautusan na si Kalihim Ona ng pag-aralang mabuti ang kalagayan ng higit sa 100,000 evacuees.
Pangmatagalang solusyon ang kailangan ng mga evacuees. Ayon kay Dr. Tayag na ang pagbibigay ng malilipatang mga tahanan ang kailangang gawin para sa mga biktima. Long-term shelter ang kailangan at prayoridad ng pamahalaan, dagdag pa ni Dr. Tayag.
Sa oras na mabigyan ng matitirhan ang mga biktima, pang short-range lamang ang kanilang magagawan. Obligasyon nilang mabigyan ng ligtas na tubig, malinis na palikuran, mga magbabakuna sa mga kabataan upang maiwasan ang tigdas at iba pang karamdaman.
May koordinasyon na rin ang Department of Health sa Department of Social Welfare and Development upang maiwasan ang pagkakaroon ng malnutrition sag ma sanggol at mga bata, dagdag pa ni Dr. Tayag.