Sa kanyang pagpunta kaninang umaga sa Vietnam National University, nakipagtagpo at nakipagpalitan ng palagay si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga kabataan ng Tsina at Biyetnam.
Iniharap ni Li sa mga kabataan ang tatlong mungkahi: ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam, mainam na samantalahin ang panahon ng kabataan, at pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang bansa. Bukod dito, sinabi ni Premyer Li na umaasa siyang magiging palabasa at palalakbay ang mga kabataan upang silang matutunan; magiging responsableng mamamayan ng kanilang bansa; at ipagpatuloy ang pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam.
Salin: Andrea