Ipinahayag kahapon ni Robert Mardini, Head of Operations for the Near and Middle East ng International Committee ng Red Cross(ICRC), na isang boluntaryo mula sa Syrian Arab Red Crescent(SARC) at tatlo sa anim na manggagawa ng ICRC, na dinukot kamakailan sa Syria ang pinalaya kahapon.
Sa kasalukuyan, mainam aniya ang kanilang kalagayan. Samantala, ang tatlong iba pa ay nasa kamay pa rin ng mga salarin.
Nauna rito, anim na miyembro ng ICRC at isang boluntaryo ng SARC ang kinidnap ng mga di-pa nakilalang salarin sa Idlib, lalawigan sa gawing hilagang-kanluran ng Syria.