Ayon sa OPCW resolution na pinagtibay noong ika-28 ng nagdaang buwang naglalayong komprehensibong sirain ang mga sandatang kemikal ng Syria, kahapon ng hapon (local time), dumating ng Damascus, kabisera ng Syria, ang unang pangkat ng mga eksperto mula sa Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW). Sinimulan na ang kanilang pagsisiyasat sa kalagayan ng pagkakaroon ng Syria ng mga sandatang kemikal.
Ang naturang grupo ay kinabibilangan ng 20 tagapagsiyasat, at 15 namamahalang tauhan. Ipinahayag sa mass media ni Wang Jun, puno ng grupong ito, na sa kasalukuyan, hindi pa puwedeng isiwalat ang mga gawain sa susunod na yugto.
Salin: Li Feng