|
||||||||
|
||
Sa isang business community luncheon sa Hanoi kahapon, na magkasamang dinaluhan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at kanyang Vietnamese countertpart na si Ngyuyen Tan Dung, sinabi ni Li na mabilis na umuunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Vietnam, at mayroon itong malaking potensyal. Aniya, mas malaki ang komong interes ng Tsina at Vietnam kaysa sa kanilang pagkakaiba, kaya maaring pagsanibin ng dalawang panig ang kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, para mabilis na mapasulong ang naturang kooperasyon.
Kaugnay nito, iniharap ng Premyer Tsino ang apat na puntong mungkahi. Una, magkasamang magsikap ang dalawang panig para mapasulong ang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagbuo ng tatlong work group para sa pagtutulungan sa karagatan, lupa at pinansya, at pasisiglahin nito ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Ikalawa, pasulungin ng dalawang panig ang trade facilitation, para mapataas ang kabuuang halaga ng kalakalan hanggang sa 100 bilyong dolyares sa taong 2017.
Ikatlo, palawakin ng dalawang panig ang pamumuhunan sa isa't isa. Bilang priyoridad, pasusulungin nila ang mga proyekto ng connectivity.
Ikaapat, palalimin ang kooperasyon ng Tsina at Vietnam sa ilalim ng balangkas ng ASEAN; simulan ng dalawang panig ang talastasan tungkol sa ibayo pang pagpapasulong ng China-ASEAN Free Trade Area(CAFTA) para mapabilis ang regional economic integration.
Ipinahayag naman ni Nguyen Tan Dung na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Vietnam ay nagsisilbing sandigan sa pagpapasulong ng mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magbigay-ginhawa sa mga mamamahunang Tsino para mapahigpit ang pagtutulungan ng dalawang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |