Ayon sa isang magkasanib na pahayag na inilabas kahapon ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons(OPCW) at United Nations(UN), isang magkasanib na misyon ang binuo bilang tugon sa isyu ng mga sandatang kemikal ng Syria. Si Sigrid Kaag, isang taga-Netherland ang hinirang bilang espesyal na tagapagkoordina ng naturang grupo.
Isasabalikat ni Kaag ang pagsusuperbisa sa lahat ng mga aktibidad ng mga manggagawa ng OPCW at UN sa Syria, para maisakatuparan ang target ng pagwasak sa mga sandatang kemikal doon, sa nakatakdang panahon.