"Walang humpay na pinapalakas ngayon ang puwersang militar ng Hapon sa dahilang kailangan nitong harapin ang mga banta mula sa labas ng bansa. Ikinababalisa ng komunidad ng daigdig ang totoong layunin ng Hapon." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, nang sagutin niya ang mga tanong ng mga mamamahayag tungkol sa pagpapatibay ng pamahalaan ni Shinzo Abe ng mga hakbanging panseguridad, kabilang ang plano nitong pabagsakin ang mga drones ng dayuhan na papasok sa teritoryong panghimpapawid ng Hapon.
Sinabi ni Hua na sanhi ng mga dahilang pangkasaysayan, lubos na nagbibigay-pansin ang komunidad ng daigdig sa patakarang panseguridad ng Hapon. Kaya, ang aksyong nabanggit ng Hapon aniya'y hahantong sa pagkabahala ng komunidad ng daigdig. Ipinahayag niyang ang Tsina ay walang dudang may soberanya sa Diaoyu Islands. May sapat na kakayahan ang Tsina na harapin ang lahat ng mga aksyong probokatibo, para mapangalagaan ang soberanya at kabuuang teritoryo ng bansa.