Ipinahayag kahapon ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na naging isa nang komong mithiin ang pagsasakatuparan ng kapayapaan, katatagan at kasaganaan sa South China Sea, kaya kailangan itong mapangalagaan ng ibat-ibang panig.
Sinabi ni Geng na dapat isagawa ang mga konstruktibong aktibidad ng mga bansa sa loob ng rehiyong nabanggit, sa halip na walang habas na umaksyon dahil sa tinatanggap na suporta mula sa ibang puwersa. Samantala, dapat namang gawin ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang mga bagay-bagay na makakatulong sa katatagan ng rehiyon, sa halip na magsalita ng kung anu-ano, para paguluhin ang kalagayan doon.
Nauna rito, sinimulan ang magkasanib na ensayong militar ng Pilipinas at Amerika sa naturang karagatan, noong ika-18 ng buwang ito. Ito ay itinuturing ibayo pang mapapabigat ang maigting na kalagayan ng rehiyon. Bukod dito, inilathala kamakailan ng Wallstreet Journal ng Amerika ang artikulong pinamagatang "Nakatakdang panumbalikin ng Pilipinas ang paggamit ng base militar ng Subic, para labanan ang Tsina".