Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat isabalikat ng Hapon ang responsibilidad sa pag-igting ng kasalukuyang kalagayan ng relasyong Sino-Hapones. Dapat pa aniyang isagawa ng Hapon ang konkretong mga hakbang para panumbalikin sa normal ang relasyong ito.
Binigyang-diin ni Hua na nananatiling matatag ang paninindigan ng Tsina sa pangangalaga ng soberanya sa Diaoyu Islands, kasabay ng pagsisikap nitong malutas ang alitan ng dalawang panig sa pamamagitan ng diyalogo. Aniya, dapat isagawa ng Hapon ang tumpak na pananaw at mabibisang hakbang, para malutas ang isyung nabanggit.
Sinabi rin ni Hua, na ang apat na katugong dokumentong pampulitika ay nagsisilbing pundasyon para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Hapones na may mutuwal na kapakinabangan. Aniya, ito ay hindi lamang makakatulong sa maayos na paglutas ng di-malutas-lutas na mga isyu ng dalawang panig, kundi maging sa pagpapahigpit din ng kanilang pagtutulungan sa iba't ibang larangan.