Sa kanyang talumpati sa 2013 Zijinshan Summit na binuksan kahapon sa Nanjing, kabisera ng lalawigang Jiangsu, Tsina, binigyang-diin ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC), na dapat samantalahin ng mga mamamayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, ang ibayo pang pagpapabilis ng kooperasyong pangkabuhayan ng magkabilang pampang, at magkakasamang harapin ang ibat-ibang hamon mula sa labas ng bansa para maisakatuparan ang kasaganaan at kasiglaang pangkabuhayan ng nasyong Tsino.
Ipinahayag ni Yu na nananatili ngayong mainam ang tunguhin ng kaunlarang pangkabuhayan ng dalawang pampang. "Sa kabila ng pagkakataon ng pag-unlad, haharapin natin ang mga hamon sa hinaharap." dagdag pa niya.
Ang 2013 Zijinshan Summit ay isang aktibidad upang palakasin ang ugnayan ng mga mangangalakal ng dalawang pampang ng Taiwan Straits.