Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2013 Zijin Mountain Summit para sa mga mangangalakal mula sa magkabilang pampang ng Taiwan Straits, sinabi ni Yu Zhengsheng, Top Political Advisor ng CPPCC, na ang pagpapasulong ng kooperasyong industriyal ay masusing tungkulin ng naturang summit.
Kaugnay nito, ihinaharap niya ang apat na mungkahi; kabilang dito ang pagpapalawak ng pakikisangkot sa kooperasyong industriyal ng mga bahay-kalakal ng dalawang pampang, pagpapataas ng dalawang pampang ng kanilang nukleong kakayahang kompetetibo sa industriya, pagpapalakas ng domestic industrial dynamics, at pagkokompleto sa konstruksyon ng sistema ng kooperasyong industriyal.
Ipinahayag din ni Yu na umaasa siyang magkasamang magsisikap ang naturang mga mangangalakal para pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.