Sinabi kahapon ni Kalihim Albert del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na magkasamang nagsisikap ngayon ang Pilipinas at Hong Kong, Tsina para matamo ang kalutasang paborable sa dalawang panig, hinggil sa 2010 hostage crisis.
Winika ito ni Del Rosario ilang oras pagkaraang ipahayag ni Leung Chun-ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na magpapataw ang HK ng sangsyon laban sa panig Pilipino kung walang matatamong progreso hinggil sa paglutas sa nasabing isyu, sa loob ng isang buwan.
Noong ika-23 ng Agosto, 2010, isang panturistang bus ang nilooban at kinontrol ng isang tiwalag na pulis na Pilipino. Sa pagliligtas, walong turisang taga-Hong Kong ang namatay at pito ang nasugatan.
Salin: Jade