|
||||||||
|
||
Globe Telecom: Hindi naming kawani ang dinukot ng Abu Sayyaf
NILIWANAG ng isa sa pinakamalaking telecommunications company, ang Globe Telecom, na hindi nila kawani ang dinukot na mga manggagawa noong Martes sa Sulu.
Sinabi ni Bb. Yoly Crisanto, pinuno ng Globe Corporate Communications, na sina Nasri Abubakar at Dennis Aluba na diumano'y dinukot sa Barangay Latin, Patikul, Sulu ay hindi nila mga kawani.
Nakalulungkot umano ang naganap na insidente. Nabatid na technical staff ng QTel na naka-kontrata sa Nippon Electric Company o NEC na magtatayo ng network transmission requirement sa pook bilang mga contractor ng Globe Telecom.
Tumulong na umano ang Globe Telecom sa sub-contractor na QTel sa pagsusuplong sa mga alagad ng pamahalaan. Tutulong ang Globe Telecom sa abot ng makakaya at nakikiisa sa mga pamilya ng mga biktima at umaasa silang maililigtas sa pinakamadaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |