|
||||||||
|
||
Konsiyerto idaraos sa pagdiriwang ng Golden Anniversary ng Arkediyosesis ng Lingayen-Dagupan
MAGSASAMA-SAMA ang may 103 pari at deakono, 45 mga madre, 48 mga seminarista at 20 piling-piling youth leaders sa isang konsiyerto sa pagdiriwang ng ika-50 taong pagkakakatatag ng Arkediyosesis ng Lingayen-Dagupan.
Ayon kay Arsobispo Socrates B. Villegas, pinamagatang "FADZ GOLD" ang pagtatanghal. Itatampok ang paglalakbay ng pananampalataya mula ng maging diyosesis ang Lingayen-Dagupan noong 1928 at pagiging arkediyosesis noong 1963. Isang parangal din ito sa mga naglingkod bilang arsobispo ng pook. Umaasa silang magsisilbi itong paghahanda para sa centennial celebration sa taong 2028.
Ang katagang "FADZ" ay karaniwang tawag sa mga pari na tinatawag na "Father". Ang mga kabataan ang siyang yaman ng Simbahan, dagdag pa ng arsobispo. Ipamamalas nila sa mga kabataan ang pagsayaw, pag-awit, pagsasaya para sa Panginoon. Makakasama rin sa konsiyerto ang gobernador at bise-gobernador ng Pangasinan at ang Punonglungsod ng Dagupan. Idaraos ito sa CSI Stadia sa Dagupan City sa darating na ika-12 ng Nobyembre sa ganap na ikatlo ng hapon at ikapito ng gabi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |