Ayon sa website ng "Lianhe Zaobao" ng Singapore, ang bilang ng mga nasawi sa super typhoon 'Yolanda' ay posibleng mas mababa kaysa naunang tinayang bilang. Ayon sa inisyal na pagtaya, umabot sa 10 libo ang bilang ng mga namatay dahil sa naturang kalamidad.
Sinipi ng naturang website ang balita ng dayuhang media na nagsasabing, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na "labis na mataas" ang bilang ng 10 libong nasawi na inisyal na tinaya. Posible lamang umabot sa 2,500 ang death toll, aniya.
Ayon sa may kinalamang organo ng UN, sa Pilipinas, mahigit 11 milyong indibiduwal ang naapektuhan ng bagyong 'Yolanda,' at halos 673 libo ang nawalan ng tirahan. Sa kasalukuyan, abala-abalang isinasagawa ng pamahalaan ang search and rescue operation.
Salin: Li Feng